Sabado, Hulyo 16, 2011

naisip ko lang [001]

*kung gaano kasarap magMAHAL ng tao, minsan, ganoon din ito kalutong magMURA.

*masakit kapag wasak ang damdamin sa salawahang puso. pero mas masakit pag basag ang mukha sa dalawang kamao.

*masarap talaga ang hangin sa probinsiya. . . lalo na pag mango flavor.

*tanga ka kung kusa mong pinasok ang lugar na hindi mo naman kabisado talaga at wala ka ni konti man lang ideya sa pupuntahan mo talaga. pero mas tanga ka kung bigla mo na lang ipinasok ang daliri mo sa electric fan dahil wala ka lang magawa talaga.

*napakahirap sabihin ang sorry lalo na pag ito'y totoo. . . pero mas mahirap pa rin yatang sabihin ang "Pinaputi ni Tepiterio ang pitong puting putong patong patong" ng limang beses nang hindi nagkakamali.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento