Huwebes, Hulyo 14, 2011

eto na


iskratz peyper. dito unang isinulat ang mga naiisip na bagay na maaaring importante at magiging parte ng libro o kaya'y mananatiling sulat-kamay na walang halaga at mapupunta lang sa basura.

iskratz peyper. dahil may mga bagay na kailangan pa ng masusing pag-edit bago isulat sa malinis na notbuk.

iskratz peyper. dahil mas madali itong tupiin at ipasa sa kaklase sa panahon ng exam.

iskratz peyper. dahil hindi ito nangangailangan ng tamang grammar, ispeling o kung ano pa man. maintindihan mo lang ayos na.

iskratz peyper. mas cool ibato kaysa libro.

iskratz peyper. ok lang na punit at may konting dumi.

iskratz peyper. love letter na marami pa ring mali.

iskratz peyper. sulatan ng reklamo.

iskratz peyper. dahil lahat ay trip trip lang.

iskratz peyper. wala ka rin lang magawa. . . BASA NA!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento